^

Metro

3 bangkay natagpuan

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), alas-5:00 ng umaga kamakalawa nang matagpuan ang bangkay ni Nelson Lagarto, 44,  sa isang drainage sa likod ng bahay nito sa Purok 2, Block 3, Brgy. Bayanan, Muntinlupa City ng ilang kapitbahay nito.

Kaagad namang ini-report sa Muntinlupa City Police ng kapitbahay nitong si Shirley Lucero ang insidente.

Ang bangkay ni Lagarto ay nakalagak ngayon sa Loreto Funeral Services para isailalim sa autopsy at upang malaman ang dahilan nang pagkamatay nito.

Alas-7:00 naman ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Marwin Gabero, 20, na nakahubad nang pang-itaas at may mga sugat sa leeg.

Ang bangkay ni Gabero ay nasa PNP Crime Laboratory sa Camp Crame upang i-autopsy.

Samantala, nakalagak naman Peoples Funeral Homes, Las Piñas City  para sa  safekeeping ang bangkay ni Hatimil Insang matapos matagpuan ito ng ala-1:00 ng hapon sa loob ng barracks ng Spring Residence Construction Site, West Service Road, Brgy. Sun Valley, Parañaque City.

 

vuukle comment

BANGKAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with