‘Tulak’ utas sa shootout
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang notoryus na ‘tulak’ ng ilegal na droga nang manlaban umano sa mga umaarestong pulis sa isang buy-bust operation, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang buong pagkaka­kilanlan nang napaslang na suspek na inisyal na may alyas Michael, 30-35-anyos, nakasuot ng itim na t-shrit at asul na short pants.

Sa ulat, nagkasa ng buy-bust ang mga tauhan ng Calo­ocan City Police-Station Drug Enforcement Unit at Police Community Precinct 3 dakong alas-12:25 ng madaling araw sa Package 5 Block 25 Brgy. 176 Bagong Silang, ng naturang lungsod.

Isang pulis ang nakipagtransaksyon sa suspek na nakahalata umano na may mga awtoridad sa paligid. Ayon sa pulisya, una umanong nagbunot ng baril ang suspect  at pinaputukan sila kung kaya gumanti na rin  sila  ng putok kung saan bumulagta ang suspect.

Narekober ng mga pulis sa lugar ng krimen ang isang kalibre .38 revolver at mga bala. Nakuha naman sa katawan ng suspek ang apat na plastic sachet ng shabu, P140 pera at ang P500 marked money.

SHOOTOUT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with