Libreng sakay at pasyal sa E-cart sa Luneta

MANILA, Philippines — Mas magiging kompor­table sa pamamasyal at pag-iikot sa Luneta Park ang mga senior citizen at Persons with Disabilities (PWD) dahil may libreng sasakyang E-carts ang National Parks Development Committee (NPDC) na aalalay para sa mga ito.

Solar powered ang E-carts na available mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon araw-araw.

May driver ang mga E-carts na maglilibot sa 53 hektaryang lawak ng Lune­ta, sa iba’t ibang atraksiyon mula sa Quirino Grandstand hanggang sa Taft Avenue.  

Show comments