^

Metro

7 timbog sa iligal na pagmimina

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binitbit ng mga ahente ng National Bureau of Investigation ang pito katao na responsable sa iligal na pagmimina sa Angat, Bulacan, noong nakalipas na Miyerkules.

Kinilala ang mga nadakip na sina Simeon Francisco De Mesa , Jose Genaro Catolico, Conrad Flores Sarmiento, Jayson Caddawan Dumlao, Narciso Nepales Alcesto Jr., Rommel Malab Tulayao, at Ronnel Zacarias.

Ayon kay NBI Spokeperson Ferdinand Lavin, idinulog sa NBI-Enviromental Crimes Division ng concerned citizen ng Angat, Bulacan, ang hinala sa iligal na pagmimina sa kanilang lugar dahil sa presensiya ng mga heavy equipment tulad ng backhoe, excavator at dump trucks kaya isinagawa ang surveillance sa Recanto, Angat, Bulacan na itinatambak  sa bahagi ng Angat-Pandi Road, na  nasa 2-3 kilometro ang layo.

 Nakumpirma na quarry site ang lupain na pag-aari ng suspek na si De Mesa na tumatanggap ng P300 kada truckload ng earth materials bilang royalty.

Nabatid din na isang Lito Mariano na isang barangay official umano ang nangangasiwa sa operasyon ng quarrying kaya nakipag-ugnayan ang NBI-ECD  sa Mines and Geosciences Bureau (MGB) , Regional Office 3 para sa technical assistance na nagsanib pwersa sa pagsalakay at pag-aresto sa mga suspek.

Bago ang pag-aresto nagawa pang makabili ng poseur-buyer ng isang truck ng minerals sa halagang P5,000 na hindi inakala ng mga suspek na sina Catolico at Sarmiento na marked money ang natanggap na kabayaran.

 Nasamsam din ang mga ebidensiya gamit sa quarrying at ilang dokumento sa mga transaksiyon.

Hindi naman umubra ang ipinakitang permit sa NBI at MGB na kinuha sa provincial government dahil wala umano sa hurisdiksiyon nito ang pagpapahintulot sa nasabing aktibidad.

Nahaharap ang pito sa paglabag sa section 103 (Theft of Materials) ng Republic Act 9942 o Philippine Mining Act of 1995. (Alecsis Edel)

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with