1 pang nang-gang rape sa 16-anyos dalagita, kalaboso
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isa pang suspek na dawit sa gangrape ng 16-anyos na dalagita ang nadakip ng Manila Police District-Police Station 1,  kamakalawa ng hapon sa isinagawang operasyon sa may Lacson St., Tondo, Maynila. 

Kinilala ni P/Supt. Rey Magdaluyo, hepe ng Manila Police District -Raxabago Police Station 1 ang naarestong suspek na si John Michael Carmelo, 19, alyas Jomel, residente ng Lacson Street, Tondo.

Lumilitaw sa imbestigasyon na bukod kay Janna, 16 , di tunay na pangalan ay may iba pang babae ang ginahasa ng mga suspek at ginawan pa ng sex video. Nadiskubreng pitong kalalakihan ang humalay sa biktima at hindi anim tulad ng  naunang naiulat.

Nabatid na modus operandi umano ng grupo na kaibiganin muna ang kanilang bibiktimahin at pagkatapos ay iimbitahing makipag- inuman at doon ay lalagyan ng droga ang ipapainom sa biktima at kapag nawalan na ng malay dito na hahalayin at ibi-video. 

Nag-ugat ang pagkakaaresto kay Carmelo nang unang malambat ng mga awtoridad ang tatlo pang suspek sa krimen na sina Anthony Gonzales, 25, at magkapatid na Prince Jomari Diwa, 20, at Paul Cedrick Diwa, 18, sa kanilang tahanan sa Melalcalde Street, Tondo kamakalawa.

Sa nakuhang cellphone mula kay Gonzales, nadiskubre ang group chat ng mga suspek, na naglalaman ng masaya pang usapan ng mga ito sa ginawang kahalayan sa biktima.

Isang sex video rin ang kanilang nakita mula sa cellphone kung saan nahagip ang mukha ng biktima.

Itinanggi naman ni Gonzales na sila ang mga lalaking nakuhanan sa video at sa halip ay tinukoy si Carmelo na siyang kumuha ng naturang video, at huli umanong gumahasa sa biktima.

Nalaman na si Gonzales rin umano ang nag-search sa Profile ni Carmelo sa kanyang Facebook account, at nagturo sa mga pulis kung saan ito matatagpuan.

Itinanggi ni Carmelo na kasama siya nang gabing gahasain ng grupo ang biktima pero inaming ‘nagalaw’ rin umano niya ito kinabukasan ngunit hindi aniya rape ang nangyari.

Sinabi pa ni Carmelo na  nobya niya ang biktima at nagpasama ito sa kanya para hanapin ang kanyang dalawang cellphone, at nang magpahinga sila sa kanyang bahay, ay may nangyari sa kanilang dalawa, na sinasabing kinunan rin umano nito ng video.

Samantala, umapela naman ng tulong ang ina ng biktima kay Pangulong Rodrigo Duterte upang mabigyan ng kataru­ngan ang naganap sa kanyang anak.

Kaugnay nito, nanawagan  si Magdaluyo sa iba pang mga posibleng naging biktima ng mga suspek na lumutang at magsampa na rin ng kaso sa mga ito.

CRIME MANILA POLICE DISTRICT RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with