May mga ‘unsettled violations’, nakaalarma na sa LTO

MANILA, Philippines — Nakaalarma na sa Land Transportation Office (LTO) ang plaka ng sasakyan ng mga motoristang may mga ‘unsettled violations’.

Ito ang ibinabala kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sabi ng MMDA, ang lahat ng mga motoristang may  mga unsettled violations simu­la nitong Disyembre 2018 at inialarma na sa LTO.

Kung kaya’t hindi ire-renew ng LTO ang vehicle registration ng mga moto­ristang may mga pending violations, maliban kung inisyuhan sila ng  clearance ng MMDA.

Payo ng MMDA sa  kanila, na dapat na nilang i-settled ang kanilang mga traffic violation para hindi sila magkaroon ng aberya pagdating nila sa LTO.

Show comments