Bading timbog sa ‘rape’ sa 11-anyos

MANILA, Philippines — Arestado ang isang  ba­ding matapos umano nitong i-oral sex ang isang 11-anyos na batang lalaki  kapalit ang ipinangakong pera, ka­makalawa ng gabi Makati City.

Nakakulong ngayon sa Makati City Police detention facility ang suspect na si Jean Thompson Claude, 21, naninirahan sa Ponte St., Brgy.  Tejeros  ng nabanggit na lungsod.

Ang biktima naman ay itinago sa pangalang Noy.

Ayon kay Senior Supt. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, alas-11:00 ng gabi nang himukin ng suspek  ang biktima na sumama sa  loob ng kanyang tirahan dahil bibigyan niya ito  ng malaking halaga ng salapi.

Sa pag-aakalang totoo ang pangako ng suspek, kusang sumama ang biktima,  subalit nagulat na lamang siya nang paghubarin siya nito at moles tiyahin.

Nang makauwi ng kanilang bahay ang biktima ay  kaagad niyang isinumbong sa kanyang ina ang insidente.

Agad namang nagrek­lamo sa barangay ang mag-ina na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Show comments