^

Metro

Big time price hike sa LPG, oil products nagbabadya

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Big time price hike sa LPG, oil products nagbabadya
Sa pagtaya ng mga oil companies, posibleng madagdagan ng P1.00 hanggang P2.00 ang kada kilo ng LPG sa susunod na linggo.
File Photo

MANILA, Philippines — Sa unang araw ng buwan ng Marso ay posibleng ipatupad ng mga kompanya ng langis ang malaking pagtaas sa presyo sa Liquified Petroleum Gas (LPG).

Sa pagtaya ng mga oil companies, posibleng madagdagan ng P1.00 hanggang P2.00 ang kada kilo ng LPG sa susunod na linggo.

Hindi pa naman naglabas ng anunsiyo, na posibilidad na magtaas din ng presyo ang auto-lpg na ginagamit ng mga taxi.

Nabatid, na huling nagtaas sa presyo ng LPG ay  noong Pebrero 1 ng taong kasalukuyan.

Maging sa mga produktong petrolyo ay nagbabadya din ng malaking pagtataas sa susunod na linggo.

Inaasahan ang pagtaas ng mahigit sa P1 sa kada litro ng gasoline, kerosene at diesel.

Ayon sa Department of Energy (DOE) ang nakaambang oil price hike ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan nito sa pangdaigdigang pamilihan.

Huling nagtaas sa pres­yo ng mga produktong petrolyo noong Pebrero 19.

vuukle comment

LPG PRICE HIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with