^

Metro

‘Courtesy seating’ sa mga buntis, PWDs at senior citizens sa Quezon City

Romina Cabrera - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Papatawan ng parusa ng Quezon City government ang mga establisimento na walang inilaang ‘courtesy seating’ sa mga buntis, person with disabilities at senior citizens  sa ilalim ng bagong pasang ordinansa.

Pinirmahan na ni Ma­yor Herbert Bautista ang Ordinance No. SP-2804 na nag-aatas sa lahat ng pribado at pampublikong establisimento sa lungsod na magkaloob ng ‘courtesy seats’ sa mga nabanggit na sektor.

Kailangan ding malagyan ang lugar ng courtesy seat signage.

Ang mga lalabag sa ordinansa ay bibigyang babala sa unang pagkakataon, sa pangalawang paglabag ay pagmumultahin na ang mga ito ng P5,000 at suspensyon ng business permit sa loob ng anim na buwan at sa ikatlong paglabag ay multang 5,000 at revocation ng business permit.

Ang implementing rules at regulations ng ordinansa ay iisyu sa loob ng 30 araw ng Social Services Development Department, Person with Disablity Affairs Office, Office for Senior Citizens Affairs at Business Permits Licensing Office.

vuukle comment

HERBERT BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with