Ilang kalsada isasara sa anibersaryo ng EDSA Revolution
MANILA, Philippines — Isasara sa trapiko ang ilang kalsada ngayong Sabado (Pebrero 23) at Lunes (Pebrero 25) para sa paggunita ng 33rd anniversary ng EDSA People Power Revolution.
Sabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ngayong Sabado ang EDSA-bound direction ng White Plains Avenue mula Corinthian Gardens Gate hanggang EDSA ay isasara sa mga motorista ng alas-12:01 ng madaling araw hanggang alas- 8:00 ng gabi.
Samantala, sa Lunes, ang isang lane ng EDSA (sa harap ng People Power Monument) ay isasara naman ng alas-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga.
Kung kaya’t payo ng MMDA sa mga motorista na iwasan ang nasabing mga lugar para hindi maabala sa trapik.
- Latest