^

Metro

Brgy. kagawad, bulagta sa tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Brgy. kagawad, bulagta sa tandem

MANILA, Philippines — Patay ang isang 48-anyos  na barangay kagawad nang pagbabarilin ng riding-in- tandem sa eskinita sa Severino Reyes St., Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng hapon.

 Dead-on-arrival sa Jose Reyes Me-morial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Alfredo Ortega Hicana, alyas Gerry Bok, ng Brgy. 356, Zone 36, District 3.

 Sa ulat ni PO3 Roderick Magpale ng Manila Police District-Homicide Section,  dakong alas-2:07 ng hapon kamakalawa ng maganap ang krimen sa 1st Alley ng S. Reyes St. Nabatid na binaril ito habang nakatalikod ng isa sa mga suspek bago nilisan patungo sa naghihintay na rider ng motorsiklo.

Una umanong nakitang nakaupo sa green na monobloc sa entrance gate ng 1st Alley ang biktima nang makitang lumutang ang gunman mula sa likuran at pinaputukan ang biktima na puntirya ang ulo subalit hindi tinamaan kaya nagawa pang makatakbo ng biktima gayunman hinabol pa ito ng salarin saka muling pinaputukan   ng ilang beses.

Batay naman sa closed circuit televi-sion (CCTV) footage ang gunman ay naka­su­ot ng kulay puting t-shirt, dark colored shortpants, may beltbag at walang suot na sumbrero o helmet ay may kaputian ang mukha, maikli o clean cut ang buhok.

Pinaharurot ng kasabwat na rider ang  motorsiklo sa direksiyon ng Laguna St., palabas ng Jose Abad Santos St.,

Agad namang isinugod ng kaniyang live-in partner ang biktima sa nabanggit na ospital subalit hindi na umabot ng buhay.  ( Alecsis Edel at Nicole Manlapaz-trainees)

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with