^

Metro

Mister, patay sa sunog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang mister makaraang ma-trap sa loob ng nasusunog niyang tahanan sa Brgy.Barangka, Mandaluyong City, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay nakilalang si Raymundo Liwanag Jr., 62, ahente ng funeral homes, na nakatira sa Ayala Homes Subdivision, Ilang-ilang Street, Barangka, Mandaluyong City.

Batay sa ulat ng Mandaluyong Bureau of Fire Protection (BFP), nabatid na dakong ala-1:10 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa tahanan mismo ng biktima.

Ang sunog na bangkay ng biktima ay natagpuan malapit sa poste ng ­unang palapag ng kanyang tahanan.

Inabot lamang sa unang alarma ang sunog bago naideklarang fireout ni F/Supt. Christine Pula.

Unang napaulat na nawawala ang may-ari ng nasusunog na bahay at hindi rin sumasagot sa mga tawag kaya’t naghinala ang mga awtoridad na na-trap ito sa loob.

Wala sa bahay ang asawa ng biktima nang maganap ang sunog dahil umuwi umano ito sa lalawigan.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang natupok ng apoy.

vuukle comment

MANDALUYONG CITY FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with