2 African arestado sa pekeng Canadian visa
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang African ang inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) makaraang tangkaing lumabas ng Pilipinas gamit ang pekeng Canadian visas nitong nakalipas na linggo.

Nakilala ang mga dayuhan na sina Cameroonian national Etienne Makang Nformem, 35, at Sudanese national Abdelmotalab Idris Himat Mohamed, 29-anyos.

Sa ulat ng BI Port Operations Division, unang nadakip si Nformem nitong Pebrero 9 nang duma­ting sa Ninoy Aquino International Airport Teminal 1 sakay ng Gulf Air flight buhat sa Bahrain.

Nang isailalim siya sa panayam ng BI officials, sinabi ni Nformem na bibisitahin niya ang kanyang pinsan dito sa bansa at aalis din makaraan ang tatlong araw patungo naman ng Toronto, Canada.  Nang suriin ang kanyang Canadian visa sa pasaporte, dito nadiskubre na peke ito.

Pebrero 13 naman nang maaresto si Mohamed nang tangkain na lumipad patungo sa Toronto ngunit nadiskubre na peke rin ang kanyang Canadian visa.

Sa background check sa kanya, dati nang nagtrabaho sa bansa si Mohamed at ipinadala ang kanyang pasaporte sa Sudan para iproseso ng kanyang pamilya ang pekeng Canadian visa.

Ayon sa BI, gina­gamit ng mga sindikato partikular na buhat sa Africa ang Pilipinas bilang “jump-off point” sa kanilang human smuggling activity sa Canada.

BUREAU OF IMMIGRATION CANADIAN VISAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with