2 anak ibinugaw, magulang arestado
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado ang isang mag-asawa na umano’y ibinubugaw ang kanilang dalawang anak sa isang online site habang pito pang mga kabataan na may edad 5 hanggang 15 ang nasagip nang salakayin ng mga otoridad ang sinasabing cybersex den sa Taguig City, ka­makalawa.

Nabatid na unang nakipag-ugnayan sa Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang Homeland Security and Investigation ng Estados Unidos at nagbigay ng intelligence data ukol sa isang cybersex syndicate.

Dito sinalakay ng mga awtoridad ang isang establisimyento sa Brgy. Calzada sa naturang lungsod.

Inaresto ng pulisya ang isang mag-asawa na hindi muna pinangalanan at nailigtas ang siyam na batang babae kabilang ang da­lawang anak ng mga ito.

Nabatid buhat sa mga bata na pinipilit sila ng mga suspek na gumawa ng sexual acts sa harap ng camera na inila-live­stream sa mga kliyente sa America at Europa.

Nabatid na nagbabayad ang bawat kliyente ng mula P2,000 hanggang P5,000. 

ARRESTED CYBERSEX DEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with