Tama ng bala sa ulo at balikat ang agad na ikinamatay ng biktimang si Jenny Rose Manila, 25, pansamantalang nanunuluyan sa Taal St., Malate.
Miguel De Guzman
Paalis na OFW, utas sa sekyu
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na natuloy sa nakatakdang pagtatrabaho sa ibang bansa ang isang 25-anyos na domestic helper nang barilin at mapatay ng kaniyang kinakasamang sekyu sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Tama ng bala sa ulo at balikat ang agad na ikinamatay ng biktimang si Jenny Rose Manila, 25,   pansamantalang nanunuluyan sa Taal St., Malate.

Tinutugis na ang suspek na si Jervis Cabrera,  security guard na tumakas bitbit ang ginamit na baril.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, alas-7:39 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang pulisya hinggil sa naganap na pamamaril sa panulukan ng San Andres at Taal Sts., sa Malate at doon nakitang duguan sa ilalim ng pampasaherong jeep ang biktima na wala ng buhay.

Base naman sa closed circuit television (CCTV) footage, naglalakad ang biktima at suspek nang biglang hatakin sa balikat ang babae at putukan nang malapitan.

Binalikan pa ito at muling pinaputukan dahilan upang bumagsak at pumailalim sa jeep. Mabilis namang tumakas ang suspect.

Sa imbestigasyon,  ang biktima ay nakatira pansamantala sa isang dormitory kasama ang iba pang co-applicants na mangingibangbansa.

Noong nakalipas na Huwebes (Pebrero 14), mismong ‘Valentine’s Day’ ay nagtungo pa umano ang suspek sa tinutuluyan ng biktima at nagregalo ng bulaklak at chocolates na tinanggihan umano ng huli.

Kinabukasan (Peb. 15) nang muling tawagan sa cellphone ng suspek ang biktima at pinipilit umanong lumabas ng dorm at magkita sila upang mag-dinner. Sa simula ay tumanggi ang biktima sa anyaya ng suspek dahil pagod umano ito sa maghapong paglalakad ng papeles sa Overseas Welfare Workers Administration (OWWA) hanggang sa napilitang sumipot sa suspek.

Ayon pa sa impormas­yon, seloso ang suspek at ayaw umanong payagan ang biktima na mag-abroad. Nabatid na may mga anak na ang suspek at biktima na nasa Bulacan.

Madalas umanong mag-away ang dalawa at may mga pagbabanta ang suspek sa biktima na kung tutuloy sa abroad ay may mangyayaring masama. 

OFW SHOT DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with