Tinurn-over ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa operatiba ng PDEA ang nasabat na P90-M halaga ng shabu na natuklasang isiniksik sa mga tambutso.
(Kuha ni Joven Cagande)
P90-M shabu isiniksik sa tambutso
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2019 - 12:00am

Nasabat ng BOC

MANILA, Philippines — Nasa P90 milyong halaga ng  shabu na nakasilid sa mga tambutso ang nadiskubre ng  mga tauhan ng  Bureau of  Customs (BOC) sa warehouse ng  DHL kamakailan.

Ayon kay Airport Customs District Collector Carmelita Talusan, nagmula ang mga kontrabando na idineklarang auto parts sa West Covina, California sa Amerika at nakapangalan sa isang Patrick Soriquez na taga-Las Piñas.

Nagduda ang Customs examiner sa bigat ng mga tambutso, at nang isalang sa X-ray ay nadiskubre ang 13.1 kilo ng iligal na droga sa loob nito.

Dumating ang kargamento noong  Disyembre 23, 2018 mula California, USA.

Nagsagawa rin ng controlled delivery ang BOC ngunit walang nag-claim sa 26 na packages.

Hinala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) naipasok ang droga mula sa Mexico sa pamamagitan ng US border.  Posibleng peke rin ang  consignee nito.

Nai-turnover na ang mga nasabing iligal na droga sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at patuloy ang malalimang imbestigasyon na isinasagawa ng mga awtoridad ukol dito.

BUREAU OF CUSTOMS SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with