Nagtipun-tipon ang mga rider sa Welcome Rotonda alas-9:00 ng umaga at nang makarating sa Mendiola ay may ipinaabot na sulat sa Malakanyang hinggil sa kanilang panawagan na humihimok kay Duterte na huwag paburan ang nasabing batas.
Edd Gumban
300 riders lumusob sa Mendiola
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - February 5, 2019 - 12:00am

Pagpapalaki ng plaka  sa motorsiklo, prinotesta

MANILA, Philippines — Nagmartsa kahapon ng umaga mula Welcome Roton­da patungong Mendiola ang nasa 300 motorcycle riders para sa kanilang panawagan kay Pangulong Rodri­go Duterte na huwag aprubahan ang Senate Bill no. 1397 na magpapatupad ng mas malalaking plate numbers sa likuran at paglalagay pa ng karagdagang plaka sa harapan ng motorsiklo.

Mula sa iba’t ibang Riders’ Group ang mga nakiisa sa kanilang rally na naghatid ng kanilang liham sa Pangulo na ‘i-veto’ ang nasabing batas na naipasa sa Senado at Kamara noong Enero 14, 2019.

Nagtipun-tipon ang mga rider sa Welcome Rotonda alas-9:00 ng umaga at nang makarating sa Mendiola ay may ipinaabot na sulat sa Malakanyang hinggil sa kanilang panawagan na humihimok kay Duterte na huwag paburan ang nasabing batas.

Ang Senate Bill no. 1397 (An Act Penalizing And Preven-ting The Use Of Motorcycles Or Scooters In The Commission Of Crimes Through The Use Of Bigger Plate Numbers And Identification Marks, Regulation Of Backriders And For Other Purposes) ay ang isa sa hakbang upang mapigilan ang talamak na riding-in-tandem crime incidents sa bansa.

Kasama sa nasabing batas ang pagpapatupad din ng color coding sticker upang agad na malaman kung saan nakarehistro ang motorsiklo/scooter sakaling masangkot sa aksidente o krimen.

MOTORSIKLO RODRI­GO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with