^

Metro

Precinct commander sa Navotas, 2 tauhan sinibak

Joy Cantos, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Precinct commander sa Navotas, 2 tauhan sinibak
Kinumpirma ni Navotas City Police chief, Sr. Supt. Ramchrisen Haveria, Jr., ang pagkakatanggal sa puwesto nina PCP 3 commander Police Insp. Resty Descalzo, at mga tauhan na sina PO3 Randy Belly at PO1 Jejomar Padasas.
Edd Gumban

Hindi masawata ang pagdami ng mga batang ginawang courier ng sindikato ng droga

MANILA, Philippines — Dahil sa pagkabigo na matunugan at masawata ang paggamit ng mga sindikato ng ilegal na droga sa mga bata, sinibak sa kanilang puwesto ang hepe ng Navotas Police Community Precinct na nakakasakop sa Navotas Fish Port at dalawa pang tauhan.

Kinumpirma ni Navotas City Police chief, Sr. Supt. Ramchrisen Haveria, Jr., ang pagkakatanggal sa puwesto nina PCP 3 commander Police Insp. Resty Descalzo, at mga tauhan na sina PO3 Randy Belly at PO1 Jejomar Padasas.

Ang kanilang istasyon ang nakakasakop sa Market 2 sa Navotas Fishport na sinalakay kamakailan ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung saan na-rescue ang 12 kabataan na may edad apat hanggang 15-anyos na ginaga­mit ng sindikato ng droga na tagabantay sa drug den at nakikipagtransaksyon din sa mga dumadayong drug users.

Nabatid na sinibak ang mga pulis makaraang mabigo na matunugan ang paggamit ng sindikato sa mga bata lalo na ang mapigilan ito.

Ang Market 3 rin ay kilalang kuta ng mga drug suspek na paulit-ulit na sinasalakay ngunit hindi nagagawang masawata ang mga sindikatong nag-ooperate rito.

vuukle comment

CRIMINAL LIABILITY

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with