^

Metro

Ikatlong set ng Dalian train, bumiyahe na!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Ikatlong set ng Dalian train, bumiyahe na!
Nanawagan ang ilang mga mambabatas sa pagpapalawig sa oras ng operasyon ng MRT at LRT para makatulong sa pagbawas ng sasakyan sa mga lansa-ngan at sa matinding trapik na nararanasan.
(Kuha ni Michael Varcas)

MANILA, Philippines — Nagsimula nang bumiyahe kahapon ang ikatlong set ng Dalian train bilang hudyat ng sunud-sunod na ‘test run’ na isinasagawa  ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line-3 (MRT-3).

Ang biyahe ay isinaga-wa matapos makumpleto ang 1,000 kilometers commissioning test nito noong nakalipas na araw.

Ang ikatlong Dalian   train ay ginamit ng MRT-3 para kumpletuhin ang 150 ‘hours validation testing’.

Nabatid sa MRT-3 na magsisilbi ang ikatlong Da-lian train sa mga pasahero o mananakay mula alas- 6:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi na nagsimula na kahapon, Enero 23 hanggang sa Pebrero  1, 2019.

Magugunita na ang 48-bagong bagon ng binili ng nakalipas na adminis-trasyon sa Dalian Locomotive and Rolling Stock Co., sa bansang China ay nagkakahalaga ng P3.8 bilyon.

Una rito ay lumutang ang balitang hindi compa-tible ang biniling 48 Light Rail Vehicles (LRVs) sa transport system ng MRT-3 kung kaya’t hindi pinagamit ang mga ito.

vuukle comment

METRO RAIL TRANSIT LINE-3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with