Nakilala ang nasawi na si Ronald Agravante, 35, ng Orchid St., Sitio Gitna Kaybiga, Caloocan City, habang na­aresto naman ang truck driver na si Steven Jimmy Balanquit, Jr., 30.
Miguel De Guzman
Rider pisak sa trak
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isa na namang motorcycle rider ang nasawi makaraang magulungan ng isang trailer truck na kanyang siningitan at tinangkang lagpasan, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si Ronald Agravante, 35, ng Orchid St., Sitio Gitna Kaybiga, Caloocan City, habang na­aresto naman ang truck driver na si Steven Jimmy Balanquit, Jr., 30.

Sa ulat ng Caloocan Police Traffic Unit, alas-6:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa may C3 Road sa Dagat-Dagatan Avenue, Brgy. 22, ng naturang lungsod.

Nabatid na parehong binabagtas ng Mio type scooter na minamaneho ni Agravante at trailer truck (UWJ-481) ang kahabaan ng C3 Road patungo sa Dagat-Dagatan Avenue. Paliko ng kanan ang trak nang magtangka umanong mag-overtake ng scooter sa kanang bahagi kahit alanganin.

Dito nawalan ng kontrol si Agravante dahilan para su­mampa siya sa bangketa ngunit nabigong kontrolin ang kanyang scooter hanggang sa bumagsak sa kalsada.  Hindi naman siya napansin ng tsuper ng trak na si Balanquit dahil sa nasa “blind spot” umano kaya tuluy-tuloy ang andar ng sasakyan hanggang sa tuluyang nagulungan ang biktima at makaladkad.

Nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang tsuper ng trak na si Balanquit.

ROAD ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with