Meningo sa Valenzuela, negatibo
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Negatibo sa sakit na meningococcemia ang resulta ng pagsusuri ng isang pribadong laboratoryo sa sampol ng dugo ng isang batang babae na nasawi kamakailan sa Valenzuela City Emergency Hospital na unang pinani-walaang may taglay ng naturang sakit.

Ito ang inihayag ni Mayor Rex Gatchalian makaraang kumalat sa lungsod at paghari­an ng takot ang mga residente sa pagkalat uma-no ng naturang sakit.

“Pinaaalalahanan ng pamahalaang lungsod ang publiko na huwag pangunahan ng takot, at maging mai-ngat sa kalusugan,” ani Gatchalian.

Sa panayam ng PSN, sinabi ni Information Officer Zyan Caina na partikular na nagnegatibo sa bacteria na “Neisseria Meningitidis” na siyang pinagmumulan ng sakit na meningo ang sampol ng dugo ng paslit.

Kasalukuyang nakikipag-ugnayan pa sila sa naturang laborator­yo upang makuha ang lahat ng impormasyon sa pagsusuri at kung maaaring ilabas ito para sa kaalaman ng publiko.

Hindi naman maba­tid kung ano ang “cause of death” ng batang pasyente dahil sa hindi na ipinasailalim sa awtopsiya ng kanyang mga magulang ang labi na agad nang iniuwi sa Bulacan.

MENINGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with