^

Metro

Meningo scare sa Valenzuela

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Meningo scare sa Valenzuela
Sa opisyal na pahayag ng lokal na pamahalaan na inilabas ni Mayor Rex Gatchalian, inamin nila na isang batang babae buhat sa Bancal, Meycauayan, Bulacan ang nasawi sa Valenzuela City Emergency Hospital nitong hatinggabi ng Enero 14.

MANILA, Philippines — Nanawagan kahapon ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa kanilang mga residente at sa publiko na maging kalmado makaraang kumalat ang balita na isang pasyenteng batang babae ang nasawi sa loob ng isa nilang pagamutan dahil sa sakit na meningococcemia.

Sa opisyal na pahayag ng lokal na pamahalaan na inilabas ni Mayor Rex Gatchalian, inamin nila na isang batang babae buhat sa Bancal, Meycauayan, Bulacan ang nasawi sa Valenzuela City Emergency Hospital nitong hatinggabi ng Enero 14.

Nabatid na may mataas na lagnat ang pasyente, may mga mapupulang pantal sa katawan at nagtatae na kabilang sa mga sintomas ng sakit na Meningo.  Nilinaw naman ng pagamutan na wala nang buhay nang dumating sa kanilang Emergency Room ang pasyente.

Bilang pag-iingat, isinailalim sa “fumigation, ultraviolet (UV) light at disinfection” ang ER habang binigyan ng antibiotics ang mga tauhan ng pagamutan na naka-duty ng naturang gabi at maging ang mga kapamilya ng nasawing pasyente.

Kumuha naman ng blood samples ng pasyente ang pagamutan na ipinadala sa laboratoryo upang masuri ito at mabatid kung ano talaga ang sakit. Tinatayang nasa tatlo hanggang pitong araw bago makuha ang resulta ng pagsusuri.

vuukle comment

MENINGOCOCCEMIA

REX GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with