^

Metro

Mataas na multa sa illegal parking, obstruction simula na sa Lunes

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa Lunes (Enero 7), epektibo na ang mataas na multa sa mga lalabag ng illegal parking, traffic obstruction at iba pang paglabag sa batas trapiko.

 

Ayon kay Metropolitan Manila Development Autho-rity (MMDA) EDSA Traffic Czar Bong Nebrija, nasa P1,000 hanggang P2,000 ang multa sa mga motoristang lumalabag sa mga batas trapiko tulad ng illegal parking.

“Dapat na sumunod sa mga panuntunan ng batas trapiko ang mga motorista kasi mataas na ang multa dito na aabot sa 400 percent increase. Hindi na siya dry run at full implementation na ito”, ayon kay Nebrija.

Nabatid na P1,000 na ang multa para sa attended illegal parking, na dati ay nasa P200, samantalang sa unattended illegal parking ay magiging P2,000, na ang multa ay dating P500.

P1,000 din sa mga lumabag sa traffic obstruction at ignoring traffic signs, na da-ting P150.

Ang lumabag naman sa yellow lane sa EDSA, ay P1,000 rin ang multa na dating  P500 para sa pribadong behikulo at P300 para naman sa pampublikong behikulo.

Ang pagtataas ng multa sa bawat traffic violation ay bunsod ng resolution na inaprubahan ng Metro Manila Council (MMC), ang policy making body ng MMDA noong Disyembre 7 at nai-published ito noong Disyembre 12 ng taong ka­sa­lukuyan.

vuukle comment

ILLEGAL PARKING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with