Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, magiging P1,000 na ang multa sa violator na motorista para sa attended illegal par­king, na sa kasalukuyan ang multa ay nasa P200, samantalang sa unattended illegal parking ay magiging P2,000, na ang multa na sa ngayon ay P500.
Boy Santos
Mataas na multa sa illegal parking simula na sa Enero 7
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - December 20, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Simula sa Enero 7 ng susunod na taon ay tataas na mula sa P1,000 hanggang P2,000. ang  multa sa mga motoristang lalabag sa mga batas trapiko tulad ng illegal parking.

Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, magiging P1,000  na ang multa sa violator na motorista  para sa attended illegal par­king, na sa kasalukuyan ang multa ay nasa P200, samantalang sa unattended illegal parking  ay magiging P2,000, na ang multa  na sa ngayon ay P500.

Para naman sa mga lalabag sa traffic obstruction at ignoring traffic signs, P1,000 na rin ang multa dito na sa kasalukuyang nasa P150.000 lamang.

Ang lalabag sa yellow lane sa EDSA,  ay magiging P1,000 na rin ang multa, na ang kasalukuyang multa ay P500 para sa pribadong behikulo at P300 para naman sa pampublikong behikulo.

Sabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia, ang pagtataas ng multa sa bawat traffic violation ay bunsod ng  resolution na inaprubahan ng Metro Manila Council (MMC) noong Disyembre 7 at nai-published noong Disyembre 12 ng taong kasalukuyan.

Naniniwala ang MMDA, na sa pamamagitan aniya ng bagong patakaran ay luluwag na mula  sa masikip na daloy ng trapiko ang Metro Manila lalo na ang EDSA.

“Maganda ito kasi nga makakadaan na ang mga sasakyan at luluwag ang kalsada lalo na sa mga alternate routes natin going outside EDSA,” ani Garcia.

Ngunit nilinaw nito, na ang mga siyudad na may  existing traffic city ordinances lalo na sa pagpaparada ay hindi aniya sakop ng bagong patakaran.

CELINE PIALAGO ILLEGAL PARKING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with