Blangko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng biktima, na inilarawan lamang na nasa hanggang 45-anyos, may taas na 5’4”, katamtaman ang laki ng katawan, at may tattoo sa dibdib na ‘Boyong Reyes’, ‘Sampaga Baby’ sa likod at “Commando” sa kanang hita.
File Photo
Salvage victim isinilid sa garbage bag
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - December 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinihinalang biktima ng salvage ang isang lalaki, na ang bangkay ay natagpuang may mga saksak sa dibdib at kili-kili, at nakasilid pa sa isang garbage bag sa Quezon City kahapon ng umaga.

Blangko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng biktima, na inilarawan lamang na nasa hanggang 45-anyos, may taas na 5’4”, katamtaman ang laki ng katawan, at may tattoo sa dibdib na ‘Boyong Reyes’, ‘Sampaga Baby’ sa likod at “Commando” sa kanang hita.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), na pinamumunuan ni P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., dakong alas-7:00 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa Haciento St., kanto ng C.P. Garcia St., sa Brgy. UP Campus, Quezon City.

 Sa salaysay sa pulisya ng guwardiya ng UP Campus na si Ruel Flores, dakong alas-7:30 ng gabi ng Miyerkules ay nagpapatrulya siya sa lugar nang may mamataang sasakyan na pumarada doon. Nang umalis umano ang sasakyan ay may nakita siyang itim na garbage bag sa lugar, na nakabalot ng masking  tape, ngunit hindi na ito pinansin sa pag-aakalang bangkay ng aso lamang ang laman nito.

Kinabukasan, nang mag-ikot muli si Flores ay naroro-on pa rin ang garbage bag, kaya’t tinawag ang tagako­lekta ng basura upang tanggalin ito.

 Gayunman, nang alamin kung ano ang laman, ay dito nadiskubreng bangkay pala ng tao ang nasa loob nito.

Kaagad naman nilang ini­report sa University Police ang pangyayari, upang maireport sa QCPD. Hinala naman ng mga awtoridad na sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lamang ang bangkay nito sa lugar upang iligaw ang imbestigasyon sa kaso.

SALVAGE VICTIM IN GARBAGE BAG
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with