Inmates sa Caloocan City Jail, ginagalis

Nilapatan ng ointment at binigyan ng gamot ng mga doktor ng CCMC at PDS ang nasa 250 inmates na natuklasang may galis, gayundin ang iba pa upang maiwasan na mahawa.

MANILA, Philippines — Daan-daang mga inmates sa Caloocan City Jail ang ngayo’y nagkakahawahan at nagdurusa sa sakit na “scabies” o galis makaraang matuklasan nang magsagawa ng medical mission ang Caloocan City Medical Center katuwang ang Philippine Derma-tological Society (PDS) sa Caloocan City Jail bilang bahagi ng 17th National Skin Disease Detection and Prevention Week o Skin Week.

Nilapatan ng ointment at binigyan ng gamot ng mga doktor ng CCMC at PDS ang nasa 250 inmates na natuklasang may galis, gayundin ang iba pa upang maiwasan na mahawa.

“Skin disease is very common to inmates and, with the help of the Philippine Dermatological Society, we would like to address this problem and raise awareness about various skin problems and the proper way of taking care of our skin,” ayon kay CCMC Administrator Dr. Fernando Santos.

Show comments