^
Balik P8 pasahe sa jeep,  dedesisyunan na ng LTFRB

Balik P8 pasahe sa jeep, dedesisyunan na ng LTFRB

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dedesisyunan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa susunod na linggo ang usapin sa pagbabalik sa P8 minimum na pasahe sa mga pampasaherong jeep sa Metro Manila, Region 3 at 4.

Ito ay makaraang itakda ng LTFRB sa December 4 ng umaga ang pagbusisi sa usapin,  gayundin ang isyu sa pagbabalik P10 na minimum na pasahe sa bus sa Metro Manila at provincial buses.

Ayon kay RJ Javellana, ng United Filipinos Consumers and Commuters, marapat lamang na maibalik sa dating presyo ang pamasahe sa jeep at bus dahil nagkaroon naman ng sunud-sunod na pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo.

Inamin naman ni Obet Martin, Pangulo ng Pasang Masda na hindi na nila muna hihingin na maibaba ang pa­sahe sa jeep dahil hindi pa sila nakakarekober mula sa mga nagdaang epekto ng pagtaas ng presyo ng petroleum products.

Sinabi naman ni Zeny Maranan, Pangulo ng Fede­ration of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) igigiit nilang maibalik sa da-ting pasahe sa jeep kung aabot sa P39 ang presyo ng kada litro ng krudo.

Mula sa dating P8 ang minimum pasahe sa jeep ay ginawa ito ng LTFRB na magkaroon ng P1 provisional increase kaya naging P9 ang pasahe sa jeep at mula P9 ay itinaas ito ng LTFRB sa permanent na P10 na minimum na pasahe.

Mula naman sa P10 at P12 ang minimum na pasahe sa ordinary at airconditioned buses ay kasalukuyan na itong P11 at P13 na.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, bubusisiin nilang mabuti ang gagawing desisyon sa panawagang maibalik ang minimum pasahe sa jeep na hindi naman ma­aagrabyado ang magkabilang panig.    

FARE HIKE LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with