‘Pamaskong handog’ sa Makati maagang ibibigay

Ito ang inanunsyo kaha­pon ni Makati City Mayor Abby Binay, na nagsabing simula sa Lunes (Disyembre 3) ay ipapamahagi na ang ‘Pa­­maskong Handog’ para sa mga residente ng lungsod.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Maagang ibibigay ng pamahalaang lungsod ng Makati ang nasa mahigit 300,000 ‘Pamaskong Handog’.

Ito ang inanunsyo kaha­pon ni Makati City Mayor Abby Binay, na nagsabing simula sa Lunes (Disyembre 3) ay ipapamahagi na  ang ‘Pa­­maskong Handog’ para sa mga residente ng lungsod.

Nasa 95,000 bags ang naka-iskedyul na ipapamahagi sa mga paaralan, nag­lalaman ito  ng noche buena package,  mga t-shirt,  delata at biscuits.

Samantala, nasa 227,000 ‘Pamaskong Handog’  naman ang naka-iskedyul na ipapamahagi sa mga residente. 

Show comments