Trike driver na ‘tulak’ itinumba

Nakilala ang nasawi na si Virgilio Cardenas, 46, may-asawa, at nakatira sa Jacinto Street, Brgy. Marulas, Valenzuela City.

MANILA, Philippines — Hinihinalang iligal na droga ang dahilan sa pamamaslang ng hindi pa nakilalang salarin sa isang tricycle driver na nakunan ng ilang pakete ng shabu sa kanyang posesyon, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

 Nakilala ang nasawi na si Virgilio Cardenas, 46, may-asawa, at nakatira sa Jacinto Street, Brgy. Marulas, Valenzuela City.

Sa ulat ng pulisya, alas-10:20 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa isang kalsada sa Sitio 6, Brgy. Catmon, Malabon City. 

Ayon sa mga residente, nakarinig sila ng magkakasunod na putok ng baril hanggang sa tumambad ang bangkay ng biktima.

Nabatid sa rekord na dati nang nakulong ang biktima dahil sa paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 o pagtutulak ng iligal na droga.

Show comments