Random drug test sa pulis sa MM, hihigpitan

Ipinag-utos din ni Eleazar sa Drug Enforcement Units at Counter-Intelligence Units na mas palawigin at palakasin ang internal activities nito upang agad na matukoy kung sinu-sino sa 27,000 miyembro ng NCRPO ang sangkot sa iligal na droga.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Kasunod ng pagkakahuli sa isang bagitong pulis-Maynila na bumabatak ng ipinagbabawal ng droga sa isang nightclub sa Taguig City noong nagdaang Miyerkules, mariing ipinag-utos ni National Capital Region Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar na mas paigtingin at higpitan ang random drug testing sa mga pulis sa Metro Manila.

“We are now almost three ang half years into a successful and continuing war against illegal drugs in the country.  It is ironic that at this point of our campaign, we still get surprised by users of illegal drugs in our rank and file,” pahayag ni Eleazar patungkol sa pagkakadakip sa pasaway na si PO1 Redentor Bautista.

Ipinag-utos din ni Eleazar sa Drug Enforcement Units at Counter-Intelligence Units na mas palawigin at palakasin ang internal activities nito upang agad na matukoy kung sinu-sino sa 27,000 miyembro ng NCRPO ang sangkot sa iligal na droga.

Matatandaang nahuli sa aktong bumabatak ng cocaine si Bautista nitong Miyerkules sa isang nightclub sa Global City sa Taguig habang nakikisaya sa Holloween party.

Agad namang sinibak sa puwesto si Bautista na ngayon ay nahaharap na sa patung-patong na kaso. 

Show comments