^

Metro

Crew ng fast food chain, timbog sa droga

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Crew ng fast food chain, timbog sa droga
Nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang natimbog na suspek na kinalalang si Berjer Despabiladeras, binata, at nakatira sa Brgy. 4 Salud St., sa FB Harrison sa Pasay City.

MANILA, Philippines — Swak sa kulungan ang isang 21-anyos na crew ng isang kilalang fast food chain sa lungsod ng Makati makaraang makumpiskahan ng iligal na droga sa loob ng kanyang bag, kamakalawa ng hapon.

Nahaharap na ngayon  sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang natimbog na suspek na kinalalang si Berjer Despabiladeras, binata, at nakatira sa Brgy. 4 Salud St., sa FB Harrison sa Pasay City.

Sa ulat ng Makati City Police, alas-2:15 ng hapon nang arestuhin si Despabiladeras ng mga tauhan ng Police Community Precinct 4 sa loob ng fast food chain sa may kanto ng EDSA at Evangelista St,, Brgy. Bangkal, ng naturang lungsod.

Nabatid na humingi ng responde ang manager ng naturang fast food chain sa PCP4 makaraang makadiskubre ang iligal na droga sa bag ng suspek sa kanilang inspeksyon.  Nang dumating ang mga pulis, muling ininspeksyon ang bag ng suspek at nakadiskubre pa ng ibang iligal na droga.

Nakumpiska sa suspek ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at tatlong plastic sachet ng ma­rijuana.

Inaalam ngayon ng pulisya kung nagbebenta ng iligal na droga ang suspek sa mga kasamahan sa trabaho o personal na gamit lamang.

vuukle comment

ARRESTED

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with