Lolo lasog sa tren

Nakilala ang nasawi na si Vidal Pagkalinawan Montecalvo, ng Wawa Compound, Brgy. Alabang ng naturang lungsod.

MANILA, Philippines — Lasog ang isang 56-an­yos na pedestrian matapos salpukin ng isang tren habang tumatawid sa isang istasyon ng Philippine National Railway (PNR) na iniulat kahapon sa Muntinlupa City.

Nakilala ang nasawi na  si Vidal Pagkalinawan Montecalvo, ng  Wawa Compound,  Brgy. Alabang ng naturang lungsod.

Samantala, tumanggi ang  pamunuan ng PNR management na banggitin ang pa­ngalan ng suspect na siyang operator ng train na may body number 917,  na nakasagasa sa biktima. .

Lumalabas sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente alas-9:00 ng umaga  sa PNR Station, Montillano St., Brgy. Alabang, Muntinlupa City.

Papatawid ang biktima at hindi nito namalayan ang paparating na train, dahilan upang masagasaan ito.

Show comments