^

Metro

74 nasampolan sa basura sa Maynila

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bilang bahagi ng progra­ma sa basura, 74 katao ang dinakip ng Manila Police District matapos na maaktuhang nagtatapon ng basura kung saan-saang lugar sa lungsod.

 

Ayon kay Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada, mahigpit na ipinagbabawal ang basta pagtatapon ng basura gayundin ang paglalabas ng basura nang hindi pa dadaan ang truck na kokolekta nito.

Kinasuhan ng paglabag sa City Ordinance 1158 o Illegal Disposal of Garbage ang mga dinakip matapos magsagawa ng operasyon sa Road 10 corner Pacheco St, Tondo; Oroquieta, Blumentritt, Sta Cruz.

Nabatid na agad  na pinag-utos ni  MPD Director Rolando Anduyan ang pagdispatch ng mga pulis para sa anti-illegal garbage disposal bunsod na rin ng walang habas na pagtatapon ng basura sa mga kalsada.

Lumilitaw na  naglabas ng kautusan si Estrada sa MPD na magsagawa ng gabi-gabing operasyon laban sa mga illegal na nagtatapon ng basura upang mapanagot sa batas ang mga ito.

“Huwag naman silang magtapon ng basura kung saan-saan lang, hintayin nila ang garbage truck dahil inaa­yos nating mabuti ang sistema ng koleksiyon ng basura,” ani Estrada.

Hinikayat din ni Estrada ang mga mamamayan ng Maynila na tumulong sa kanyang kampanyang malinis ang lungsod. Aniya, dapat na maging responsable ang bawat residente at Manilenyo sa pagtatapon ng basura dahil ito ang isa sa mga dahilan ng pagbabaha.

vuukle comment

GARBAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with