^

Metro

Mga pulis na dawit sa Red October, bubusisiin ng PNP

Cecille Suerte Felipe - Pilipino Star Ngayon
Mga pulis na dawit sa Red October, bubusisiin ng PNP
Ito’y matapos na lumutang ang ulat na may ilang pulis ang tumatanggap ng protection money buhat sa Chinese national, na nagmamay-ari sa ni-raid na farm ng National Bureau of Investigation (NBI) kung saan nasamsam dito ang mga matataas na kalibre ng armas at mga pampasabog na sinasabing gagamitin para sa pagkilos sa Red October.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Ipinag-utos kahapon ni PNP chief Director General Oscar Albayalde  na bubusisiin ang mga pulis na sinasabing dawit sa Red October,  isang pagkilos para patalsikin sa pwesto si Pangulong Digong.

Ito’y matapos na lumutang ang ulat na may ilang pulis ang tumatanggap ng protection money buhat sa Chinese national, na nagmamay-ari sa ni-raid na farm ng National Bureau of Investigation (NBI) kung saan nasamsam dito ang mga matataas na kalibre ng armas at mga pampasabog na sinasabing gagamitin para sa pagkilos sa Red October.

Inatasan din ng PNP chief si  Southern Tagalog Police director Chief Supt. Eduardo Caranza na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa background ng negosyanteng si Lily Ong,  may-ari ng farm sa Teresa, Rizal.

“As we speak kausap ko lang ho yung RD pinaimbestigahan ko na po ‘yan na yung sinasabing protection money, kung talagang mayroon man at yung mga involved na pulis dahil meron yatang listahan na binigay yung Lily Ong”, pahayag pa ni Albayalde.

Nais malaman ni Albayalde ang katotoha-nan sa pahayag ni Ong na nagbibigay siya ng P8,000 kada buwan sa mga pulis para protektahan sya sa mga taong nais kumidnap sa kanya.

Gayunman, hindi pa agad maikonekta  ni Albayalde ang grupo ni Ong at mga pulis sa Red October.

Binanggit din nito na hanggang sa ka­sa­lukuyan ay wala pa silang nakukuhang impormasyon na may mga pulis na sangkot sa Red October destabilization plot kaya iniutos din niya ang mas malalim pang imbestigasyon.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with