^

Metro

Mga preso at jailguard sa QC Jail,isinailalim sa drug test

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mga preso at jailguard sa QC Jail,isinailalim sa drug test
Sumailalim sa random drug testing ang mga preso at jailguards ng Quezon­ City Jail na naglalayong matiyak na drug free ang naturang piitan­.
Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines — Isinailalim sa drug test ang mga preso at jailguard sa Quezon City Jail kahapon.

Pinangunahan ni Que­zon City Jail Warden Supt. Ermilito Moral ang ikinasang drug-test katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kabuuang 170 jailguards and personnel ang sumailalim sa drug test at 900 preso.

Ayon kay Moral, ang pagsasailalim nila sa drug test ay bilang tugon sa direktiba ng pamu­nuan ng Bureau of Jail Management and Peno­logy (BJMP) at matiyak na walang gumagamit ng iligal na droga sa nasabing piitan.

Dakong alas-10:00 ng umaga ay sinimulan ang drug testing sa mga BJMP personnels at mga preso sa QC jail na isinagawa ng sampung chemist na ipinadala ng pamunuan ng PDEA sa nasabing piitan.

Sinabi ni Moral, kung sakaling may magpo­si­tibo sa kanyang mga tauhan sa droga sa unang­ pagkakataon ay muli itong isasailalim sa ikalawang drug test para sa confirmation.

Kumpiyansa si Moral na malinis ang kanyang mga opisyal at tauhan maging ang mga bilanggo dahil sa tuwing nagsasagawa ng greyhound operation sa QC Jail, kasama ang mga ope­ratiba ng Quezon City Police District (QCPD) at PDEA ay walang droga na nakukumpiska sa mga detainees sa kulu­ngan.

vuukle comment

QUEZON CITY JAIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with