^

Metro

P5.4-M shabu mula Africa nasabat sa NAIA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P5.4-M shabu mula Africa nasabat sa NAIA
Nakatakip ng scarf bandana ang ulo ng dalawang suspek na nasa likuran nina Customs Port of NAIA district collector Mimel Talusan at PDEA NAIA chief Gerald Javier nang iharap sila sa mga mamamahayag matapos na masabat ng naturang paliparan ang P5.4-milyong halaga na shabu na mula pa sa bansang Congo sa Africa nitong Sabado.
(Kuha ni Rudy Santos)

Magdyowa swak sa selda

MANILA, Philippines — Tumataginting na P5.4-milyong halaga ng shabu na idineklarang isang ‘art table’ package na mula pa sa bansang Congo sa Africa ang nasabat ng mga otoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) habang arestado ang suspek na mag-live-in partner na umano’y recipient ng nasabing package nitong Sabado ng hapon.

Nakilala ang mga nadakip na sina Julie Ann Lozada at live-in partner niya na si Cyril Garcia Cabigan, pawang mga residente ng Dasmariñas, Cavite.

Nabatid na unang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang iligal na droga nitong Setyembre 21 makaraang makakuha ng datos buhat sa impormasyon na ibinigay ng United States Bureau of Food and Drugs.

Nadiskubre ang iligal na droga sa bodega ng isang courier company na unang idineklarang isang “art table” ngunit may laman na iligal na droga na tumitimbang ng 800 gramo.

Ayon kay NAIA district collector Mimel Talusan, kinilala niya ang consignee na isang Joy Bido Mariel na ki­nalaunan ay natukoy na si Lozada habang ang sender ay isang Asumani Lofeta.

Nagsagawa ang   NAIA-Inter Agency Drug Interdiction Task Group ng ‘‘controlled delivery’’ sa address sa Dasma-riñas, Cavite na dapat padadalhan ng package na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang suspek.

Itinanggi naman ng da­lawang suspek na alam nila na iligal na droga ang laman ng package na ipinadala sa kanila.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with