^

Metro

Estrella-Pantaleon bridge, isinara na

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Estrella-Pantaleon bridge, isinara na
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, ang pagkukumpuni ng naturang tulay ay isasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) bilang bahagi ng multi bilyong piso na ayuda ng gobyerno ng China.

MANILA, Philippines — Sarado na sa mga moto­rista simula ngayong araw na ito ng alas-8:00 ng umaga (Linggo) ang Estrella-Pantaleon Bridge na nag-uugnay sa Makati at Mandaluyong City na sasailalim  sa rehabilitasyon sa loob ng 30 buwan.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager  Jojo Garcia, ang pagkukumpuni ng naturang tulay ay isasagawa  ng Department of Public Works and Highways (DPWH) bilang bahagi ng multi bilyong piso na ayuda ng gobyerno ng China.

Sabi ni Garcia, na hindi pa nila malalaman ang negatibong resulta nito, subalit nasa 100,000 motorista ang magiging maapektuhan sa isinarang tulay.

“Wala tayong magagawa, we need to close this to rehabilitate and replace with the new ones. On Monday, I don’t know what will happen,” ani Garcia.

Dahil aminado ang MMDA, na itinuturing na hopeless case ang matin­ding trapik, payo ni Garcia sa mga motorista na pairalin ang sariling disiplina  at ang “bigayan system” para aniya ma-minimize ang masamang epekto nito.

Muling umapila si Garcia sa mga motorista na magsagawa ng carpooling  para mabawasan aniya ang mga behikulong bumabagtas sa mga lansangan lalo na sa EDSA.

vuukle comment

ESTRELLA-PANTALEON BRIDGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with