^

Metro

2 miyembro ng ‘Akyat-bahay’, patay sa shootout

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 miyembro ng �Akyat-bahay�,  patay sa shootout
Batay sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), na pinamumunuan ni P/Chief Supt. Joselito Esquivel, dakong alas-12:45 ng madaling araw nang maganap ang engkwentro sa Min-danao Avenue Ext. sa Brgy. Greater Lagro, na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang di kilalang suspek, na kapwa nakasuot ng face mask, hooded jacket, at helmet.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Dalawang lalaking kapwa miyembro ng ‘Akyat-Bahay gang’, ang nasawi matapos na makipagbarilan sa mga awtoridad na umaaresto sa kanila sa Brgy. Greater Lagro, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), na pinamumunuan ni P/Chief Supt. Joselito Esquivel, dakong alas-12:45 ng madaling araw nang maganap ang engkwentro sa Min-danao Avenue Ext. sa Brgy. Greater Lagro, na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang di kilalang suspek, na kapwa nakasuot ng face mask, hooded jacket, at helmet.

 Batay sa kuha ng CCTV, lumilitaw na bago ang eng-kwentro ay dumating ang mga suspek sa Lagro Subdivision sakay ng isang Suzuki motorcycle na walang plaka at inakyat ang gate ng bahay ni Christine Quintela, sa Ascension Avenue.

Naalimpungatan naman si Quintela at inalam kung saan galing ang mga kaluskos sa labas ng kanyang silid, at dito niya nakitang hinahalughog na ng mga suspek ang bahay.

Hindi naman nagawang makapanlaban ng biktima dahil tinutukan na siya ng baril ng isa sa mga suspek at nang matangay ang kanyang wallet na naglalaman ng P3,000 at saka sapatos ay mabilis nang tumakas ang mga ito.

Hindi naman nag-aksaya ng panahon ang biktima at kaagad na humingi ng tulong sa barangay, na siyang nag-report sa Fairview Police Station 5 (PS-5), at inalarma ang insidente.

 Naglatag ng checkpoint ang mga pulis sa Domingo De Ramos St. corner Ascen­sion Avenue sa Lagro Subdivision at natiyempuhan ang mga suspek habang tumatakas ang mga ito.

Nahagip rin ng CCTV na pinara ng mga pulis ang mga suspek, ngunit sa halip na hu­minto ay pinaputukan pa ng backrider na suspek ang mga awtoridad saka humarurot palayo kaya’t hinabol ang mga ito.

Namonitor rin naman ang alarma ng mga tauhan ng Station Anti-Drug Enforcement Unit ng PS-5, na noon ay nagsasagawa ng buy-bust operation sa Mindanao Ave­nue Ext. at nang mamataan ang mga suspek ay pinara ang mga ito. Sa halip namang huminto ay pinaputukan ng mga suspek ang mga pulis, na kaagad na gumanti ng putok, na nagresulta sa pagkasawi ng dalawa.

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with