^

Metro

P3-B pekeng produkto, winasak ng Customs

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
P3-B pekeng produkto, winasak ng Customs
Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, ang mga pekeng produkto ay sinira sa accredited facility ng bureau na pag-aari ng Tritek Reverse Logistics Corporation na nasa San Pedro, Laguna.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Winasak ng Bureau of Customs ang tinatayang P3 bilyong halaga ng mga pekeng  produkto na nakum-piska noong Nobyembre 2017 at Hunyo 27, 2018. 

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña,  ang mga pekeng produkto ay sinira sa accredited facility ng bureau na pag-aari ng Tritek Reverse Logistics Corporation na nasa San Pedro, Laguna.

Kabilang sa mga sinira ay mga ginayang brand ng lotion, pabango, shampoo, make-up, lipstick at labeling machines ng mga kilalang produkto na narekober sa Vicente Tower sa Dagupan St., Tondo, Maynila.

Nabatid na ang mga pekeng produkto ay nasabat noong November 2017 sa Unit 8-1, 10-A, 10-B, Vicente Tower, 1275 Dagupan St., Tondo, Manila ng mga tauhan ng  Enforcement and Security Service (ESS). 

Sumailalim sa surveillance  ng BOC ang warehouse matapos na makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad.

Tiniyak ni Lapeña na tuluy-tuloy ang pagtugis ng ahensiya laban sa mga namemeke ng mga lehitimong produkto na bukod sa paglabag sa batas ay inilalagay sa panganib ang kalusugan ng publiko.

vuukle comment

ISIDRO LAPEñA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with