^

Metro

Ilang kalye sa Maynila, isasara

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Ilang kalye sa Maynila, isasara
Magkatuwang ang MMDA at Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) sa pagmementina sa daloy ng trapik na nagsabing, simula ngayong alas-6:00 ng umaga (Biyernes), isasa­ra sa mga motorista ang north at southbound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak hanggang Pres. Quirino Avenue.

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na magtutungo sa area ng Maynila dahil ngayong araw ng Biyernes (Setyembre 21) at Linggo (Setyembre 23)  na isasara ang ilang kalye dito bunsod nang paggunita sa deklarasyon ng Batas Militar kung saan kabi-kabila ang isasagawang rali ng iba’t ibang grupo.

Magkatuwang ang MMDA at  Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) sa pagmementina sa daloy ng trapik na nagsabing, simula ngayong alas-6:00 ng umaga (Biyernes), isasa­ra sa mga motorista ang north at southbound lane ng  Roxas Boulevard mula  Katigbak hanggang Pres. Quirino Avenue.

Ang eastbound lane ng T.M Kalaw mula  Ma. Orosa hanggang Taft Ave­nue, east at westbound lane ng TM Kalaw mula M.H Del Pilar hanggang Roxas Boulevard.

Ito ay bunsod nang gagawing “Talakayan sa Mapayapang Paggunita ng Martial Law”.

Kung kaya’t pinayuhan ang mga motorista na iwasan ang naturang mga  lugar at dumaan na lamang sa mga itinalagang alternatibong ruta para hindi maabala sa trapik.

Sa mga cargo truck na dadaan sa Osmeña Highway, kumanan sa Pres. Quirino Avenue diretso sa Nagtahan, A.H Lacson, Yuseco St. tawid ng Jose Abad Santos at dumiretso sa Raxabago, Capulong at sa destinasyon.

Sa mga dadaan naman ng southbound mula sa Pier area ay dumaan na lamang sa R-10, kanan sa Capulong at diretso sa Yuseco st patungo sa A.H Lacson patungo sa destinasyon. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with