^

Metro

4 patay sa magkahiwalay na shootout sa QC

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
4 patay sa magkahiwalay na shootout sa QC
Batay sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), na pinamumunuan ni P/Chief Supt. Joselito Esquivel, nabatid na unang napatay sa engkuwentro ang dalawang lalaki, na kapwa hinihinalang holdaper.
File Photo

MANILA, Philippines — Apat  katao, kabilang ang isang civilian asset, ang nasawi  sa magkahiwalay na shootout na naganap sa Quezon City kahapon.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), na pinamumunuan ni P/Chief Supt. Joselito Esquivel, nabatid na unang napatay sa engkuwentro ang dalawang lalaki, na kapwa hinihinalang holdaper.

Isa sa kanila ay nakilalang  si Christoper Blanca, 41, ng Brgy. Batasan Hills, habang ang isa pa ay di pa nakikilala at inilarawan lamang na nasa late 30s ang edad, may taas na 5’3”, maliit, at mapusyaw ang balat.

Nauna rito, dakong alas-12:10 ng madaling araw ay hinoldap ng mga suspek ang mga biktimang sina Mauriel Anthony Villegas, 29,  at Arjay Mortel, 20.

Naglalakad pauwi ang mga biktima nang pagsapit sa Kalayaan Ave., malapit sa Elliptical Road, ay hinintuan sila ng mga suspek na sakay ng isang asul na motorsiklo na walang plaka saka sila hinoldap.

Nakapagsumbong naman ang mga biktima sa mga tauhan ng District Special Operations Unit (DSOU) na nagsasagawa ng anti-criminality operations sa lugar kaya’t kaagad na hinabol ng mga pulis ang mga suspek at nakorner sa Alley 32, Road 10, Project 6.

Tinangkang pasukuin ng mga pulis ang mga suspek, ngunit nanlaban ang mga ito kaya’t napatay ng mga awtoridad.

Samantala, dakong ala-1:45 ng madaling araw naman nang maganap ang ikalawang engkuwentro sa pagitan ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Talipapa Police Station (PS 3) at ng isang hinihinalang drug pusher, na nakilala lang sa alyas na “Gelo”, at inilarawang nasa 25-30 taong gulang, nasa 5’5” ang taas, nakasuot ng asul na t-shirt at shorts at maraming tattoo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Nauna rito, nagkasa ng buy-bust operation ang mga pulis laban sa suspek sa isang eskinita sa Machaca Compound sa Doña Josefa 11 Subdivision, Brgy. Culiat, kasama ang civilian asset na si alyas ‘Tom,’ na siyang nagpanggap na buyer. Nakahalata naman ang suspek na pulis ang ka-transaksyon kaya’t nagbunot ng baril at pinaputukan ang civilian asset na nagresulta sa pagkamatay nito.

Kaagad namang gumanti ng putok ang mga awtoridad at napatay rin si alyas ‘Gelo.’

Narekober mula sa suspek ang isang cal. 9mm Armscor na may anim na bala at apat na pakete ng hinihinalang shabu.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with