BPSO tigok sa ‘Russian roulette’

Nakilala ang nasawi na si Noel Centino De Guzman, 38, ng USAFFE St., Brgy. Holy Spirit, ng nasabing lungsod.

MANILA, Philippines — Tigok ang isang Barangay Public Safety Officer (BPSO) makaraang maglaro ng ‘Russian roulette’ sa kanyang sariling baril at pumutok sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City, kamakalawa.

Nakilala ang nasawi na si Noel Centino De Guzman, 38, ng USAFFE St., Brgy. Holy Spirit, ng nasabing lungsod.

Batay sa pahayag sa pulisya ni Juna Fedma De Guzman, misis ng nasawi, dakong alas-2:00 ng hapon nang dumating ang kanyang mister na si Noel na lasing.

Diretsong umupo ang biktima sa kanilang sofa, sabay labas ng kanyang kalibre .38  baril.

Nilaru-laro umano ng biktima ang baril at saka itinututok sa kanyang sentido.

Pinagsabihan na umano ni Juna ang kanyang mister na itigil na ang paglalaro ng kanyang baril subalit tila wala itong narinig at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

Ilang sandali pa ay nakarinig na lang ng putok ng baril si Juna kaya agad na lumabas ng kusina at dito na tumambad sa kanya ang duguang mister.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

Show comments