Peña walang planong tumakbong mayor sa Makati
MANILA, Philippines — Walang plano na tumakbo sa pagka-alkalde si dating Makati City Vice Mayor Kid Peña.
Wala rin umanong planong sumawsaw ang dating na-ging acting mayor sa lungsod sa may umuugong na balita na posibleng magkakatunggali sa susunod na halalang lokal ang magkapatid na Binay.
Ayon sa kampo ni Peña, plano nitong maging kinatawan ng unang distrito ng lungsod ng Makati.
“I would not want to see another emotional battle between relatives and family members, city hall workers versus peers, neighbor against their neighbor, and broken decade-long friendships come election time,” sabi ni Peña.
Ikinalungkot nito ang posibleng labanan ng magkapatid ng Binay sa politika.
Kung saan tumangging kumpirmahin ng kampo ng mga mga Binay ang naturang umuugong na balita.
Gayunman, kahit wala aniya sa posisyon si Peña ay patuloy ang pagbibigay nito ng tulong sa mga taga-Makati na nangangailangan.
- Latest