^

Metro

Rapist na holdaper, utas sa engkuwentro

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Rapist na holdaper, utas sa engkuwentro
Kinilala ni Caloocan City Police Community Precinct 3 head, Chief Insp. Raymond Nicolas ang napas­lang na si Jaypee Samson, alyas Jepoy, isang notoryus na holdaper na kilala sa Brgy. 167 Bagong Silang.

MANILA, Philippines — Isang notoryus na holdaper na tumangay sa gamit at nanggahasa pa sa isang 20-anyos na sales agent ang nasawi nang makipagbarilan sa mga umaarestong pulis sa isang follow-up operation, Lunes ng gabi sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan City Police Community Precinct 3 head, Chief Insp. Raymond Nicolas ang napas­lang na si Jaypee Samson, alyas Jepoy, isang notoryus na holdaper na kilala sa Brgy. 167 Bagong Silang.

Sa ulat ng pulisya, naglalakad pauwi sina Juan Paolo Bonifacio, 19, estudyante, at ang sales agent na itinago ang pagkakakilanlan sa may Phase 3 Munting Nayon Street, Brgy. 167 Bagong Silang nang harangin sila ng suspek na armado ng baril. Sapilitang kinuha ng suspek ang mga cellular phones at pitaka ng mga biktima saka kinaladkad ang babae sa isang madilim at makitid na eskinita kung saan siya ginahasa ng salarin.

Matapos ang pang-aabuso, agad na nagtungo ang mga biktima sa PCP 3 kung kaya mabilis na nagkasa ng operas­yon si Insp. Nicolas. Alas-11 ng gabi nang mapansin ng mga pulis ang isang kahina-hinalang lalaki sa may Phase 3 na tumugma sa deskripsyon na ibinigay ng mga biktima.

Nang lapitan ng mga pulis, agad umanong nagpaputok ang suspek pero mabilis na nakaiwas ang mga nakaalertong mga pulis. Dito nagkaroon ng maigsing palitan ng putok hanggang sa bumulagta si Samson.

Narekober ng mga pulis ang isang kalibre .38 baril na ginamit ng suspek sa pakikipagbarilan, dalawang napaputok na bala at ang mga cellular phones at pitaka na tinangay niya sa kanyang mga biktima.

vuukle comment

RAYMOND NICOLAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with