^

Metro

Mister inutas ni misis

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mister inutas  ni misis
Nakilala ang nasawi na si Rannie Tomas, 47, na nagtamo ng saksak sa kanang dibdib.

MANILA, Philippines — Sinaksak at napatay ang isang mister ng kanyang sariling misis matapos ang mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City kahapon.

Nakilala ang nasawi na si Rannie Tomas, 47, na nagtamo ng saksak sa kanang dibdib.

Pinaghahanap naman ang kanyang misis na tumakas matapos ang isinagawang krimen na na­kilalang si Marynor Tomas.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:40 ng madaling araw  nang unang marinig ang pagsisigawan at pag-aaway ng mag-asawa.

Sa gitna ng mainitang komprontasyon, nagawang saksakin ng misis ang kanyang mister saka mabilis  na tumakas.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente gayundin ang pagtugis sa suspect na misis.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with