^

Metro

HVT sa drug list tumaas ng mahigit 100 –PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
HVT sa drug list tumaas ng mahigit 100 �PNP
Ito ang inamin kahapon ni PNP Chief P/Director Gene­ral Oscar Albayalde base sa monitoring ng intelligence operatives ng pambansang pulisya.

MANILA, Philippines — Tumaas pa ng mahigit sa 100 ang mga tinutugis na High Value Target (HVT) kaugnay ng patuloy na  anti-drug campaign ng Philippine National Police (PNP) upang tuldukan ang problema sa droga sa bansa  na siyang ipinangako sa bayan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

 Ito ang inamin kahapon ni PNP Chief P/Director Gene­ral Oscar Albayalde base sa monitoring ng intelligence operatives ng pambansang pulisya.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Albayalde na mula sa naitalang 9,866 target na high value targets na naitala  mula Hunyo 30, 2018 hanggang Agosto 15, 2018 ay tumaas ito sa 9, 972 o  106 na  nadagdag sa listahan kumpara ng nasabing period noong nagdaang taon.

 “With this new working figure, we are setting our sights on 1,003 High-Value Targets as subjects of police interdiction operations thru buy-bust operation and service of warrants of arrest and search warrants”, ani Albayalde mula sa kabuuang nalalabi pang  target na HVT.

 Ang pagtaas ng bilang ng HVT sa drug list ay sa kabila ng puspusang anti-drug campaign ng PNP sa buong bansa.

 Sa kabila nito, sinabi ni Albayalde na hindi naman siya dismayado dahilan, tuluy-tuloy ang anti-drug campaign ng PNP anti-drug operatives.

 ‘Actually ito yung result nag pagre-revalidate natin. Continuous ito.

Hindi pwedeng mag-stick sa isang listahan. Itong problema natin sa droga sabi nga ng Pangulo it’s far from over kaya kailangan natin I-update ang list“, anang PNP Chief.

 Sa tala, sinabi ni Alba­yalde na nasa 4,959 namang HVTs ang sumurender; 2,825 ang nasakote at 654 ang hindi na matagpuan sa mga dating tirahan o drug den.

 Samantalang nasa 258 namang HVT ang napatay at 322 pa ang mga nasa tala ng kaso ng homicide ang patuloy na iniimbestigahan.

 Ipinaliwanag pa ni Alba­yalde na hindi ito nanga­ngahulugan na nagpapabaya ang pulisya bagkus ay ipinakikita lamang ng PNP operatives na patuloy silang nagtratrabaho  upang malinis ang bansa  laban sa illegal na droga.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with