Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo

Sa abiso kahapon ng Pilipinas Shell, Flying V, PTT Philippines, Phoenix Petroleum Philippines, Petro Gazz at Seaoil, ang dagdag presyong P0.30 kada litro ay para sa gasolina, nasa P0.20 ang bawas presyo naman sa kada litro ng kerosene habang wala namang paggalaw sa presyo ng diesel epektibo ng alas-6:00 ng umaga.

MANILA, Philippines — Magpapatupad nang dagdag-bawas sa presyo  ng petrol­yo ang mga kompanya ng langis sa  ilan nilang produkto ngayong araw na ito ng Martes.

Sa abiso kahapon ng  Pilipinas Shell, Flying V, PTT Philippines, Phoenix Petroleum Philippines, Petro Gazz at Seaoil, ang dagdag presyong  P0.30 kada litro ay para sa gasolina, nasa  P0.20 ang bawas presyo naman sa  kada litro ng kerosene habang wala namang paggalaw sa presyo ng diesel  epektibo ng alas-6:00 ng umaga.

Asahang maglalabas din ng kanilang abiso  ang iba pang oil companies tulad ng Eastern Petroleum, at Total sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na dagdag bawas sa mga presyo ng produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Show comments