^

Metro

Sadistang mister, arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Sadistang mister, arestado
Kinilala ni Eastern Police District (EPD) Director P/Senior Supt. Joel Bernabe Balba ang naarestong suspek na si Joseph Alquino, 40, empleyado ng isang electronics company, at residente ng 6 Hilltop Street, Barangay Onse.

MANILA, Philippines — Swak sa selda matapos na dakipin ng mga tauhan ng San Juan police ang isang sadistang mister na tuwing lango sa alak at droga ay binubugbog nito ang kanyang misis.

Kinilala ni Eastern Police District (EPD) Director P/Senior Supt. Joel Bernabe Balba ang naarestong suspek na si Joseph Alquino, 40, empleyado ng isang electronics company, at residente ng 6 Hilltop Street, Barangay Onse.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:00 ng hapon nang maaresto ng pinagsa­nib na puwersa ng Warrant and Subpoena Section at Police Community Precinct (PCP-3) ang suspek sa kanyang tahanan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng San Juan Regional Trial Court (RTC) Branch 152 dahil sa kasong Physical Injuries, na may kaugnayan sa dalawang bilang ng kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and Children.

Batay sa rekord ng hukuman, ang kaso ni Alquino ay nag-ugat sa isinampang reklamo ng kanyang 49-anyos na live-in partner na nagsabing nakakaranas ng pisikal at berbal na pang-aabuso mula sa suspek, sa tuwing malalango ito sa droga at alak, na ang pinakahuling insidente ay naganap umano noong Agosto 15 at 18, noong nakaraang taon.

Nabatid din na si Alquino ay kabilang sa drug watch list ng San Juan Police, na may kategor-yang pusher at user noong 2016 at sumuko sa “Oplan Tokhang,” ngunit hindi naman tumigil sa kanyang illegal na aktibidad.

Kasalukuyan nang naka­kulong ang suspek sa San Juan City Jail habang naghihintay ng commitment order ng hukuman laban sa kanya.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with