^

Metro

HOV sa EDSA sinuspinde

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
HOV sa EDSA sinuspinde
“Nirerespeto namin ang pananaw ng ating mga senador na suspindihin ang pagpapatupad na nakatak-da sa Agosto 23,” pahayag ni MMDA General Manager Jojo Garcia sa isang pulong balitaan kahapon.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Matapos tumanggap ng sari-saring batikos tulu-yan nang sinuspinde kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad sa High Occupancy Vehicles (HOV) Traffic Scheme o ang pag-ban sa driver - only vehicle sa EDSA  na dapat sana’y sisimulan na sa Agosto 23.

“Nirerespeto namin ang pananaw ng ating mga senador na suspindihin ang pagpapatupad na nakatak-da sa Agosto 23,” pahayag ni MMDA General Manager Jojo Garcia sa isang pulong balitaan kahapon.

Ani Garcia, nakasalalay sa desisyon ng Metro Manila Council (MMC) ang kapalaran ng Expanded HOV policy na nagbabawal sa mga driver-only vehicles sa bahagi ng EDSA. Ang MMC ang governing at policy-making body ng MMDA.

“Walang kapangyari-  han ang MMDA na ipati­gil ang polisiya dahil ito ay MMC re­solution. Ang MMC, na binu­buo ng Metro Manila mayors, ang tanging may ‘last say’ sa isyung ito,” saad ni Garcia.

Sa ngayon ay mananati-  li ang dry run period ng HOV policy sa EDSA hanggang mag-convene o magpulong ang MMC, pahayag ni Garcia.

Sa kabila ng suspensyon, umapela si Garcia sa publiko na makiisa sa dry run at sun-din ang polisiya para mala-man ang magiging epekto nito.

Dagdag pa ng opisyal, bukas ang MMDA na amyen­dahan ang mga alituntunin ng polisiya na inaasahang makakabawas sa bilang ng mga sasakyan sa EDSA sa tulong ng carpooling. 

Ipinaliwanag ni Garcia na ang Expanded HOV scheme ay hindi para pahi­rapan ang mga solo driver na dumadaan sa EDSA. Ito ay panandaliang solusyon ng ahensya sa gitna ng mga proyektong pang-imprastraktura sa ilalim ng “Build, Build, Build” program ng gobyerno.

“Hindi natin maaaring hintayin ang mga proyektong ito na maaaring magtagal ng tatlo hanggang apat na   taon; kailangan nating umaksyon,” punto ni Garcia.

“Dekada na ang problema sa trapiko ng Metro Manila. Walang overnight solution para rito,” dagdag ng opisyal.

Base sa pagmo-monitor  ng ahensya, gumaan ang daloy ng trapiko sa EDSA sa simula ng isang linggong dry run ng Expanded HOV scheme.

Nitong Miyerkules ay  na­nawagan ang mga lider ng Senado na suspendihin ang naturang polisiya.

Sa ilalim ng HOV scheme ay ipinagbabawal ang driver-only vehicles na dumaan sa EDSA mula North Avenue sa Quezon City hanggang Magallanes sa Makati City tuwing rush hour: 7 am to 10 am and 6 pm to 9 pm mula Lunes hanggang Biyernes.

vuukle comment

HIGH OCCUPANCY VEHICLES

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with