^

Metro

Sinalpok ng motorsiklo: Ginang patay, anak sugatan

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Sinalpok ng motorsiklo: Ginang patay, anak sugatan
Namatay habang ginagamot sa Tondo Medical Center ang ginang na si Alma Davidon, 48,ng Abraham St., Sitio Santo Niño, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) ng naturang siyudad.

MANILA, Philippines — Isang 48-anyos na ginang ang nasawi habang sugatan naman ang anak niyang grade 2 pupil matapos silang salpukin ng isang humaharurot na motorsiklo habang tumatawid, kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Namatay habang ginagamot sa Tondo Medical Center ang ginang na si Alma Davidon, 48,ng Abraham St., Sitio Santo Niño, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) ng naturang siyudad.

Ginagamot naman sa Jose Reyes Memorial and Medical Center ang anak nitong si Oliver Davidon, 7-anyos, grade 2 pupil matapos magtamo ng mga sugat sa katawan.

Samantala, ang driver ng motorsiklo na si Anthony Unta­lan Jr., 19, estudyante, ng Bou­gainvillea St., Happy Land, Brgy. 105, Tondo, Manila ay  inilipat sa detention cell ng Navotas City Police matapos itong lapatan ng lunas sa Tondo Medical Center  sanhi ng mga tinamong minor injuries.

Ayon sa imbestigasyon  ng Navotas City Traffic Bureau, naganap ang insidente alas-6:00 kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Road 10, Sitio Santo Niño, Brgy. NBBS ng naturang siyudad habang papatawid ang mag-ina at siya namang  paparating ang humaharurot na Honda motorcycle (NE-90120) na minamaneho ni Untalan.

Dahil sa mabilis ang pagpapatakbo, huli na bago nito nakontrol ang preno ng motorsiklo at nasalpok na nito ang mga biktima hanggang sa tumilapon ang mga ito.

Sa lakas nang pagkaka­bangga ay tumilapon din ang rider mula sa kanyang motorsiklo at bahagyang nasu­gatan.

Nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resul-ting to Homicide at Serious Physical Injury si Untalan.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with